Ang Microinsurance ay katulad din ng pangkaraniwang insurance o seguro na alam ng karamihan. Gawang paghahanda ito sa anumang pwedeng mangyaring ‘di inaasahan o nakini-kinita. Dahil para ito sa mga kababayan nating mababa ang sahod o kita, ang ibinabayad para dito ay lubhang napakababa o tingi lamang. Nabibilang dito ang lahat ng uri ng seguro, kahawig ng seguro at iba pang kahalin-tulad na mga aktibidad na may mga ganitong katangian:
A. Ang halaga ng pirma, kontribusyon, o bayarin ay kinokolekta, ibinabawas bago pa man dumating ang di-inaasahan o di-nakini-kinitang pangyayari; at
B. Ang ipinangakong benepisyo ay ibibigay kapag dumating ang ‘di inaasahan o di nakini-kinitang pangyayari.
Ang Microinsurance po ay maaari lamang ialok o ibenta ng mga lisensyado o awtorisadong insurance providersat mga indibidwal o kumpanyang ahensya na tulad Dynawealth at mga partner nito.
Ang DSP ay isang komprehensibong Microinsurance na limandaang-piso ( ₱500.00) lamang kada taon ang binabayarang prima (premium).
Pagpanaw, pagkaparalisa/pagkaimbalido o pagkawala ng bahagi o gamit ng parte o kabuuan ng katawan (hanggang ₱ 75,000);
Pagpanaw, Pagkaparalisa, o Pagkawala ng Bahagi o gamit ng parte o kabuuan ng katawan sanhi ng ‘di kinasangkutang pag-aatake at pananakit ng ibang tao (hanggang ₱ 75,000);
Pagpanaw, Pagkaparalisa/pagkaimbalido o pagkawala ng bahagi o gamit ng parte o kabuuan ng katawan dulot o sanhi ng aksidente nang nagmamaneho ng motor (hanggang ₱ 75,000);
Tulong pinansyal sakaling mamatay dahil sa sakit o iba pang natural na kadahilanan (₱ 15,000);
Tulong pinansyal sakaling mawalan ng tirahan at mga ari-arian dahil sa sunog (₱ 15,000 - kada residenteng microinsured);
Pamalit-gastos sakaling maaksidente o masaktan ng ibang-tao na hindi ang nakaseguro ang dahilan (hanggang ₱ 7,500 kada - aksidente);
Pang-14 na araw na tulong pinansyal sakaling ma-ospital sanhi ng aksidente o masaktan ng ibang-tao (₱ 200 kada araw tuwing maaksidente at kinailangang ma-ospital).
Ang DSP ay para lang sa mga Pilipinong nasa loob o labas ng bansa na 18 taon hanggang 75 taon at 364 na araw.
Ang mga naka-DSP ay protektado saan man sa mundo.
Epektibo kaagad ang mga benepisyo ng DSP sa mismong araw nang pagbayad at pagbigay sa Dynawealth o mga ahente nito ng mga detalye/impormasyon ng ipa-pasegurong indibidwal.
Ang kailangan lamang ay ang mga pangunahingdetalye ng ipapa-seguro at ng mga benepisyaryo nito. Ang mga simple at ilang dokumento ay kakailanganin lamang kung may claim o maniningil ang naka-seguro sakaling may mangyaring ‘di inaasahan.
I-report lamang kaagad ang insidente sa Dynawealth gamit ang mga numerong nakasaad sa inyong Sertipiko ng Seguro o Confirmation of Cover(COC).Agarang pagre-report ang kailangan sakaling mamatay ang naka-seguro. Pwede ring mag-report sa pamamagitan ng e-mail o kaya sa FacebookPage ng Dynawealth o kaya sa website nito.
Regulasyon ng gobyerno na ang bayad sa claimsay dapat matanggap sa loob ng sampung (10) araw matapos matanggap ng Insurance Provider ang lahat ng mgadokumentong kailangan (National Regulatory Framework for Microinsurance, January 28, 2010) matapos ang kabuuang proseso nararapat maisagawa.
Kung Pumanaw ang Nakaseguro (Dahil sa Aksidente) :
Sertipiko ng Pagkamatay o Death Certificate
Valid Accident Report o affidavit (kung naaksidente)
Valid ID o anumang ng Pagkakilanlan o alternatibo
Valid ID ng Benepisyaryo
Birth Certificate ng Benepisyaryo
Kung Mabalda o Mawalan ng Parte ng Katawan :
Medical Abstract o sertipikasyon ng manggagamot
Valid Accident Report o Affidavit
Valid ID o anumang dokumento ng pagkakilanlan o alternatibo
Kung Mawalan ng Bahay at Gamit Dahil sa Sunog :
Sertipiko ng mula sa bumbero at/o barangay
Patunay ng paninirahan sa apektadong lugar
Valid ID o anumang pagkakilanlan o alternatibo
Kung Mawalan ng Bahay at Gamit Dahil sa Sunog :
Sertipiko ng mula sa bumbero at/o barangay
Patunay ng paninirahan sa apektadong lugar
Valid ID o anumang pagkakilanlan o alternatibo
Para Kumolekta ng Pamalit-gastos sa Pagkakaaksidente :
Sertipiko ng Manggagamot o ng ospital
Orihinal na mga resibo
Valid ID o anumang dokumento ng pagkakilanlan o alternatibo
Ang kopyang COC oConfirmation of Cover (Certificate of Insurance)ay kailangan sa anumang uri ng claim maliban na lamang kung ito mawala nang hindi maiwasan (dahil sa baha, sunog, atbp.). Mayroong Insurance Claim Form na ibibigay ng Dynawealth at nakatakda rin itong umalalay sa lahat nitong mga kliyente at kaanak nila na may insurance claims at iba pa’ng mga pagdulog.
Magtungo lamang sa opisina ng Dynawealth o servicingcenter nito, o sa mga awtorisadong Servicing Associates na may kaukulang pagkakakilanlan / ID.
Ang Komisyong ng Seguro (Insurance Commission) na may mandatong pangalagaan ang publikong nagpapa-seguro ay handang tanggapin at aksyonan ang anumang reklamo o pagdulog ng sinomang may dalang polisiya ng insurance o COC at iba pa’ng patunay ng kanilang segurong binili.Nasaibabang inyong COC o Sertipiko ng Seguro ang kanilang mga address, website, at numero.
Kailangan lamang na matatakan ng embahada/tanggapan ng kinatawan ng Pilipinas sa kinaroroonang bansa ng kliyente ang mga dokumentong isusumite para sa pagki-claim.
Ang mga aksidenteng resulta ng digmaan, rebelyon, terorismo, pananakop o mga katulad nito; mga resulta ng pagpapakamatay o nabigong pagpapakamatay; mga aksidenteng resulta ng pagbubuntis; mga naaksidente na sa aktong gumagawa, gumawa, o gagawa ng anumang labag sa batas o nasa ilegal na hanapbuhay; mga aksidenteng bunga ng radiation at asbestos.
Merong po’ng tinatawag na tatlo (3) buwan waiting period sakaling ang nakasegurong namatay ay hindi sa aksidente ang kadahilanan. Kung mapapatunayan na sila ay wala talagang karamdaman nang sila ay pumanaw, pwedeng makuha ang tulong pinansyal kahit namatay nang mas maaga o kakakuha o kabibili pa lamang ng kanyang DSP Microinsurance.
Ang mga tinatanggap lamang na proof of payment ay mga picture ng original na resibo na galing sa ating mga autorisadong banko o deposit slips na ipapadala sa pamamagitan ng paduupload nito sa ating website.
Tingnan muna ang note ng Approving Officer ng Head Office sa Web site.
Tingnan kung ang insidente na kinasangkutan ay covered ng ating policy.
Tingnan kung ang picture na inupload ay malinaw o angkop sa hinihingi ng Head Office.
Makipag ugnayan sa representative ng company hinggil sa naging issue kung bakit nadecline.
Main Office: Secretariat Building, PICC Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, 130
Telephone No.: (+632) 818-0923 | Fax No.: (+632) 818-5293
Website: www.sec.gov.ph
Main Office: 1071 United Nations Ave., Ermita, Manila
Telephone/Fax No.: (+632) 523.8461-70
E-mail: pubassist@insurance.gov.ph
Website: www.insurance.gov.ph
Background by rawpixel.com / Freepik